Sumandig ang Unicorns sa krusyal na pagkakamali ng De La Salle University para makuha ang 5-2 panalo kahapon at okupahan ang isang silya sa semifinals ng 2016 PSC Commissioner’s Baseball Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Sinamantala ni Carly Muñoz (4AB at 1R) ang pagkakalingat ng kalaban sa ikalawang inning upang magsagawa ng stolen base na nagtulak sa Unicorns sa pagpasok ng dalawang runs matapos naman makumpleto ni Jeff Laurel (4AB, 1R, 1H at 1RBI) ang earned run para sa 2-0 abante.

Dinagdagan ng Unicorns nang tig-isa run ang abante sa ikatlo matapos magawa ni Matt Laurel (2AB at 1R) na makaabante nang tamaan ng pitch na makapasok sa homeplate sa tulong ng mga kakampi bago sinundan ni Carlito Laurel (4AB, 2R at 1H) sa ikalimang inning sa una sa dalawa nitong itinalang run para sa 4-0 abante.

Nagpilit humabol ang UAAP champion De La Salle sa ikalimang inning sa pagtala ng dalawang run mula kina Paul Anthony Naguit at Jaime Casas upang ilapit ang iskor sa 4-2 subalit hindi na ito nakapagpatama sa huling apat na inning upang mapatalsik sa kampeonato.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nagawa pa ni Carlito Laurel na makatuntong sa homeplate sa ikapitong inning para sa ikalimang run ng Unicorns.

(Angie Oredo)