ISANG mapaghamong kuwento ng pagbangon ng isang babaeng iniwan ng lalaking inakala niyang makakasama na niya habang buhay ang gagampanan ni Jessy Mendiola kasama ang pinakabagong Kapamilya na si Vin Abrenica ngayong gabi sa MMK.

Engaged na si Christina (Jessy) sa kanyang long-time boyfriend na si Jay (Vin Abrenica) nang magpasya ang binata na hiwalayan siya para unahin ang karera nito sa musika. Mababalot ng poot at lungkot si Christina sa nangyari kaya magpapakalugmok siya at mawawalan ng gana sa buhay. Hindi na siya pumasok sa trabaho at nagpabaya sa kanyang katawan.

Hanggang isang araw ay niyaya si Christina ng kanyang mga kaibigan na sumali sa pole dancing class. Nahirapan siya noong una hanggang sa unti-unti niya itong nakahiligan. Nagsilbi itong distraction sa pinagdadaanan niya.

Pagkatapos ng matagal na panahon na inilaan sa pole dancing, nagdesisyon si Christina at ang kanyang mga kaibigan na magtayo ng sarili nilang pole-dance company – ang Polecats Manila. Sumabay sa muling panunumbalik ng ngiti sa kanyang mukha ang hindi inaasahang pagbabalik ni Jay sa buhay niya. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mabalot kaya muli ng kalungkutan si Christina? May pag-asa bang magkabalikan sina Christina at Jay?

Makakasama nina Jessy at Vin sa upcoming episode ng MMK sina Allyson McBride, Karen Timbol, Danita Paner, Kyra Custodio, Isabel Lopez, AJ Muhlach, Regine Tolentino, at Lolie Mara. Ang episode ay mula sa panulat ni Arah Jell Badayos at direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.