Hunyo 11, 1788 nang marating ng Russian explorer na si Gerrasim Grigoriev Izmailov ang baybayin ng Alaska, malapit sa Yakutat Bay. Isa siya sa mga taong nais patunayan na ang Russia ang unang bansa sa kanluran na nakatuklas sa lugar.

Ibinaon din ni Izmailov ang dalawang copper plate na nauukitan ng “Russian territory”. Hindi nagtagal, iba’t ibang kumpanyang Russian ang itinayo sa lugar.

Inatasan ng czar na si Peter the Great at ng mga sumunod na pinuno ang ilang manlalakbay, gaya ni Vitus Bering, na maglayag mula sa Russia patungo sa baybayin ng Alaska. Ang Bering Sea ang nag-iisang lagusan na naghiwalay sa Russia mula sa kontinente ng North America.

Nang magsimula na ring maglakbay ang mga barko ng Amerika, Britain at Spain sa Alaska noong 1800s, mas naging alerto ang Russia sa pagbabantay sa teritoryo nito. Ibinenta ng Russia ang Alaska sa United States noong 1867.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon