Sisiyasatin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato sa nakalipas na eleksiyon.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na nakikipag-ugnayan na sila sa Commission on Elections (Comelec) upang masilip ng kawanihan ang mga inihaing kopya ng SOCE ng mga kandidato.

Ayon kay Henares, layunin ng BIR na matukoy kung gaano pa kalaki ang mga natirang campaign fund ng mga kumandidato upang mabuwisan ang mga ito.

Aalamin din ng BIR kung tumutugma ang mga idineklara sa SOCE sa record ng political ads na nasa Education and Information Division ng Comelec.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Kamakailan, hiniling ng komisyon sa mga media organization na magsumite ng broadcast at publication contracts upang matukoy kung matukoy ang nagastos sa campaign ads ng mga kumandidato.

Una nang inihayag ng Comelec na kung matutuklasang nagkaroon ng overspending ang isang kumandidato na nahalal sa puwesto ay maaari itong mapatalsik at maharap sa kaukulang reklamo.

Maaari naman umanong maharap sa perjury at paglabag sa tax code ang mga nagsinungaling sa kanilang SOCE.

(Rommel P. Tabbad)