Asahan na ng publiko ang matinding traffic sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula ngayong Biyernes ng gabi, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Dakong 10:00 ng gabi ngayong Biyernes uumpishan ng DPWH ang road reblocking at inaasahang matatapos ito dakong 5:00 ng umaga sa Lunes, Hunyo 13.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang southbound sa Mindanao Avenue mula Road 8 hanggang Alley 14, second lane mula sa island.
Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na ang road reblocking ay base sa rekomendasyon ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro na may kinalaman sa maintenance work sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at iwasang dumaan sa apektadong lugar upang hindi maabala. (Bella Gamotea)