LONDON (Reuters) – Nanawagan ang mga senior British politician sa mga botante na magparehistro para sa referendum sa Hunyo 23 kaugnay sa EU membership na muling bubuksan matapos mag-crash ang website ng gobyerno ilang sandali bago ang deadline noong Martes ng gabi, kayat marami ang hindi nakapagpatala.
Pumaso ang deadline eksaktong hatinggabi (07:00 p.m. EDT), at kalahating milyon ang nakapagparehistro online sa huling araw, ayon sa government website na nagkakaloob ng data sa voter registration system.