maria copy

Sharapova, ‘banned’ ng dalawang taon dahil sa droga.

PARIS (AP) — Pinatawan ng dalawang taong “banned’” si Russian tennis superstar Maria Sharapova matapos magpositibo sa ipinagbabawal na gamot na “meldonium”, ayon sa International Tennis Federation (ITF) nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ipinag-utos din ng Tennis Anti-Doping Program Tribunal, inatasan ng ITF na magsagawa ng imbestigasyon sa kaso ng Grand Slam champion, na bawiin sa kanya ang ranking points at napagwagiang premyo sa Australian Open noong Enero.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

“She (Sharapova) is the sole author of her own misfortune,” batay sa desisyon ng Tribunal matapos mapatunayan na hindi idineklara ni Sharapova ang paggamit ng meldonium sa kanyang paglalaro, gayundin sa kanyang coach at miyembro ng entourage.

Kinondena naman ni Sharapova ang naturang desisyon na aniya’y “an unfairly harsh” at sinabing mag-aapela siya sa Court of Arbitration for Sport.

Inamin ni Sharapova ang paggamit ng meldonium sa nakalipas na 10 taon bilang medikasyon at nakaligtaan niyang rebisahin ang ipinadalang ulat ng ITF kung saan kabilang na ang naturang gamot sa “banned substance” ng World Anti-Drug Agency (WADA).

Nagkabisa ang kautusan ng WADA sa pagsisimula ng 2016.

Isinagawa ang Australian Open sa unang linggo ng Enero kung saan napatalsik si Sharapova ni Serena Williams sa quarter-finals.

“The panel found various elements of Sharapova’s case that inevitably lead to the conclusion that she took the substance for the purpose of enhancing her performance,” ayon sa ITF.

“She must have known that taking a medication before a match, particularly one not currently prescribed by a doctor, was of considerable significance,” ayon sa desisyon.

“This was a deliberate decision, not a mistake,” anila.

Kung hindi mapapaboran ang apela ni Sharapova, hindi na rin siya makalalaro sa Rio Olympics sa Agosto dahil epektibo ang kanyang suspensiyon hanggang Enero 25, 2018.

Bukod sa Olympics, hindi makalalaro ang 29-anyos na tinaguriang pinakamayaman at pinakabantog na babaeng atleta sa mundo sa walong Grand Slam tournament.

Kahanga-hanga ang marka ni Sharapova na nagkampeon sa 2004 Wimbledon sa edad na 17; naging World No.1 makalipas ang isang taon, at tinanghal na US Open champion sa edad na 19. Nakopo niya ang Australian Open crown makalipas ang isang taon.

Samantala, tapik sa balikat ni Sharapova ang desisyon ng Sportswear giant Nike na panatilihin ang kontrata sa tinaguriang tennis diva.

“We will continue to partner with her. We hope to see Maria back on court,” pahayag ng Nike sa opisyal na pahayag na ipinamahagi sa media.