Hunyo 9, 1543 nang madiskubre ng French explorer na si Jacques Cartier ang St. Lawrence River sa Quebec, Canada.

Siya ang unang European navigator na nakadiskubre sa nasabing lugar.

Hindi man niya kayang tawirin ang nasabing ilog patungong Asya, isiniwalat niya ang isang napakahalagang ruta sa iba’t ibang parte ng Canada. Kasama ang 61 lalaki sa barko, naglakbay si Cartier sa hilaga mula St. Lawrence River patungong Prince Edward Island.

Taong 1534, nakipagtulungan si King Francis I kay Cartier upang alamin ang mayayaman sa pamamagitan ng pagdiskubre sa mga lupain sa America. Inatasan si Cartier na maghanap ng kayamanan at ginto, at iba pa.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Makalipas ang isang taon, inilipat si Cartier sa ikalawang ekspedisyon kung saan nadiskubre niya ang masaganang lupain. Ngunit nabigo siyang sakupin ito.