TARLAC CITY - Hindi nasayang ang pagmamanman ng mga tauhan ng Tarlac City Police makaraang malambat ang dalawang kilabot na drug pusher sa buy-bust operation sa Caimito Street, Barangay Sapang Tagalog, Tarlac City.

Arestado sina Nolly Bandorio, 48, may asawa; at Mary Jane Pating, 28, ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang dalawang transparent plastic sachet na may 0.090 at 0.050 gramo ng hinihinalang shabu, kapalit ng P500 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog