Hunyo 7, 1913 nang pangunahan ng misyonerong si Hudson Stuck ang unang pag-akyat sa Mount McKinley sa Alaska. Ang bundok, na tinatawag din na Denali (“The High One”), ang pinakamataas sa kontinente ng Americas sa 20,320 talampakan.

Nilisan ni Stuck, kasama sina Harry Karstens, Walter Harper, at Robert Tatum, ang Fairbanks para magtungo sa bundok, noong Marso 1913. Nasira ng sunog sa isa sa kanilang mga kampo ang kanilang supply ng pagkain at iba pang kagamitan. Tiniis din nila ang masamang panahon.

Ilan sa mga nagtangkang akyatin ang bundok sa panahon ng taglamig, kabilang ang mga sanay na mountaineer, ay naglalaho o kaya naman ay namamatay sa sobrang lamig. Nasa 80 porsiyento ng lahat ng pag-akyat na ito ay dumadaan sa rutang West Buttress, at nasa kalahati ng mga ito ang nakarating sa tuktok.

Taong 1917 nang binuksan ang Mount McKinley National Park bilang isang wildlife sanctuary. Mahigit 1,000 ang nagtatangkang akyatin ang bundok kada taon.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'