LOS ANGELES – Ang nilulutong ‘freak show’ sa pagitan nina mixed martial art superstar Conor McGregor at undefeated boxing champion Floyd Mayweather, Jr. ay mananatili munang pangarap matapos ipahayag ng Ultimate Fighting Championship (UFC) na isasagawa ang re-match kay Nate Diaz sa Agosto.

Target ng 27-anyos na si McGregor ang multi-dollar promotional fight kay Mayweather sa Setyembre, ngunit tila maghihinty siya ng pagkakataon dahil sa napormalisang rematch niya kay Diaz.

Target ni McGregor na maiganti ang nakadidismayang ‘naked choke’ na kabiguan niya kay Diaz noong Marso 6 matapos tumaas ng timbang mula sa featherweight.

Gaganapin ang rematch sa Agosto 20 sa bagong tayong T-Mobile Arena sa Las Vegas.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Usap-usapan ang pagbabalik sa lona ni Mayweather mula sa pagreretiro para sa pambihirap pakikipaglaban sa UFC star.

Sakaling tuloy ang pagbabalik ni Mayweather, posibleng makaharap niya si WBC welterweight title holder Danny Garcia.

Huling sumabak si Mayweather kontra sa 39-anyos na si Andre Berto.