DHAKA (AFP) – Kinatay ng mga hindi nakilalang salarin ang isang 70-anyos na paring Hindu sa western Bangladesh nitong Martes, sinabi ng pulisya, ang huli sa serye ng mga pag-atake sa mga minority ng mga pinaghihinalaang militanteng Islamist.

Natagpuang ang bangkay ni Ananda Gopal Ganguly na halos humiwalay na ang ulo sa isang palayan malapit sa bahay nito sa bayan ng Noldanga sa Jhenidah district, sinabi ni deputy police chief Gopinath Kanjilal.

‘’He left home this morning saying that he was going to a Hindu house to offer prayers. Later farmers found his near-decapitated body at a rice field,’’ sabi ni Kanjilal sa AFP.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline