Nakamit ng Cignal ang ikatlong sunod na panalo makaraang gapiin ang Philippine Navy, 25-23, 25-23, 25-15, kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Spiker’s Turf Season 2 Open Conference sa San Juan Arena.

Mula sa dikdikang first set, mistulang naubusan ng hangin ang Sailors at tuluyang bumigay sa HD Spikers sa sumunod na dalawang set.

Muli namang nanguna para sa Cignal si Ysay Marasigan na nagtala ng 11 puntos na kinabibilangan ng pitong hit, tatlong block at isang service ace.

Wala namang nakaiskor ng double digit para sa Navy na nalaglag sa kanilang ikalawang sunod na pagkatalo.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nagtapos na topscorer para sa Sailors si Ruzzel Palisoc na may pitong puntos. (Marivic Awitan)