LUIS AT ANGEL copy

KITANG-KITA sa mukha at reaksiyon ni Luis Manzano ang pangamba at concern sa nakitang sitwasyon ng dating kasintahang si Angel Locsin sa katatapos na episode ng Pilipinas Got Talent. 

Kahit binanggit na ni Angel na medyo nangalay lang ang iniindang karamdaman sa leeg ay paulit-ulit ang tanong ni Luis kung ano ba talaga ang naramdaman niya.

Tiyempo namang kausap namin that time sa isang umpukan ang taong malapit kay Luis, na ayaw magpabanggit ng pangalan, at bagamat worried din for Angel ay kinilig sa pagpapakita ng concern ng TV host sa dalaga.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?

“Baka, magkatotoo ang hinala naming lahat na magkaroon ng part three at magkabalikan ang dalawang ‘yan,” sey niya sa amin. 

Kinuha namin agad ang reaksiyon ni Luis hinggil sa binanggit na ito ng taong malapit sa kanya pero natawa lang ang panganay na anak ng kauna-unahang congresswoman ng Lipa City. 

Nagkuwento rin ang kausap namin hinggil sa pagtatanggol na ginawa ni Angel kay Luis sa ginawang rebelasyon ni Keanna Reeves.

Binanggit kasi ni Angel ang pagiging gentleman ni Luis at never daw itong nakarinig ng ganoong klaseng kuwento na pinasabog ni Keanna. 

Maraming Luisters, at pati na Vilmanians, na kinikilig sa dalawa. Kahit daw kasi hiwalay na sina Angel at Luis, nandoon pa rin ang concern nila sa isa’t isa.

Pero sa nasabing umpukan din namin nalaman na madalas ngang magkasama ngayon sina Luis at Jessy Mendiola. May nakakakita pa raw sa dalawa na nagsu-swimming sa isang five-star hotel.

Aware din naman ang malalapit kay Luis na nali-link ngayon sa binata ang kasamahang Kapamilya star. 

“Well, naniniwala naman akong nagkakamabutihan na ang dalawa pero palagay ko, eh, hindi rin magtatagal ‘yan,” sey pa sa amin ng taong malapit kay Luis Manzano. (Jimi Escala)