Aljur copy

PAULIT-ULIT na sigurong naririnig ni Aljur Abrenica ang comment ng reporters na malaki na ang ipinagbago niya, pati sa pakikiharap sa press people, kaya nagtanong kung paano ba niya kami pakiharapan dati.

Hayun, sinabi ng mga reporter na nakausap ng aktor sa taping ng Once Again na suplado siya dati, maangas, tumatalikod ‘pag hindi nagustuhan ang tanong at kung sumagot man ay one liner lang. Alam ‘yun ni Aljur, kaya nagbigay pa nga ng sampol kung paano siya kumilos dati gaya kung paano humingi ng kape sa utility.

Pero, nagbago na nga si Aljur, hindi man super chummy sa press, at least ngayon, maayos na siyang interbyuhin. Hindi na rin siya si Mr. One Liner and in fact, mahaba at may saysay nang sumagot.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pati sa acting, kinakikitaan ng pagbabago si Aljur ng mga sumusubaybay sa Once Again, may lalim na siya at marunong nang maglabas ng chemistry na lutang sa kanila ni Janine Gutierrez sa drama series.

“Dala na rin siguro ng mga pinagdaanan ko at alam n’yo kung ano ‘yun. Actually, nababasa ko ang mga comments at natutuwa ako dahil majority ng comments ay positive. Ang pakiramdam ko, nagbunga ang effort naming lahat at team work ang Once Again, hindi lang kami ni Janine ang mga bida rito. We’re working as a team,” sabi ni Aljur.

Sa sinabing ito ni Aljur, naniwala na kaming nagbago na nga siya dahil never pa naming narinig sa kanya dati ang salitang “teamwork” pero, ngayon, effortless na lumabas ang salitang ito sa kanyang bibig. (NITZ MIRALLES)