BOGOTA (AFP) - Dalawang katao ang namatay at mahigit 10 naman ang nasugatan sa Colombia matapos na sumali ang mahigit 30,000 magsasaka sa anti-government protest, hinarangan ang mga kalsada at nakipagbuno sa mga pulis, ayon sa mga opisyal.

Inireklamo ng mga magsasaka, na naglunsad ng protesta nitong Lunes, na dahil sa free-trade agreements sa Europe at United States ay bumabaha ng murang angkat na pagkain sa bansa, at nagpapalubha sa kahirapan.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo