PARIS (AP) — Naisalba ni No.2 seed Andy Murray ang matikas na hamon ni No.9 Richard Gasquet, 5-7, 7-6 (3), 6-0, 6-2, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), para makausad sa semi-final ng French Open sa Roland Garros.
Makakaharap ni Murray sa Final Four si defending champion Stan Wawrinka, nagwagi laban kay 55th-ranked Albert Ramos-Vinolas, 6-2, 6-1, 7-6 (7).
Sa women’s singles match, tinapos ni No. 4 Garbine Muguruza ang impresibong kampanya ni 108th-ranked American Shelby Rogers 7-5, 6-3, habang sinibak ni 2011 U.S. Open champion Sam Stosur si Tsvetana Pironkova ng Bulgaria 6-4, 7-6 (6).
Nabigo rin si No.9 Venus Williams kay No. 8 Timea Bacsinszky, 6-2, 6-4, habang nagwagi ang nakababatang kapatid at No.1 seed Serena Williams kay 18th seed Elina Svitolina, 6-1, 6-1, sa nabimbin na laro sa quarterfinals.