Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital ang tatlong katao matapos suyurin ng motorsiklo ang isang tumatawid na lalaki na ikinasugat din ng driver at kaangkas nito sa highway ng Sitio Kumintang, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City.

Nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan sina Jessie Bernardino, 33, driver ng Kymco Motorcycle na may plate number OH-3636; kaangkas na si Vilma Bernardino, 44, ng Bgy. San Agustin, Gerona, Tarlac; at ang pedestrian na si Alex Oasas, 39, ng Sitio Kumintang, Bgy. Sapang Maragul, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Raymundo Valencia, Jr., patungong timog ang motorsiklo nang mabundol si Oasas na tumatawid sa kalsada. Sa lakas ng pagkakabangga ay bumalandra ang motorsiklo sa highway na ikinasugat din dalawang sakay nito.

(Leandro Alborote)

Pag-aalaga ni Roxanne Guinoo sa amang may cellulitis, kinaantigan ng netizens