Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa Irong-Irong Bay sa Western Samar matapos lumabas sa mga huling resulta sa laboratory na ang shellfish na nahuli sa lugar ay nagpositibo sa paralytic shellfish poison (red tide toxin) higit sa regulatory limit.

Sa Shellfish Bulletin No. 17 na inisyu nitong Martes, sinabi ng BFAR na ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nahuli sa nasabing lugar ay hindi ligtas kainin ng tao.

Gayunman, maaaring kainin ang mga isda, pusit, hiponat talangka basta’t sariwa, nahugusan nang maigi at tinanggalan ng laman-loob bago lutuin. (PNA)

Pag-aalaga ni Roxanne Guinoo sa amang may cellulitis, kinaantigan ng netizens