AABOT na sa 1000 episodes ang Mars na mas maraming masasayang kuwento ang ihahatid ngayong linggo.

Nitong Lunes (May 30), nakipagkulitan sa Mars hosts na sina Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera ang trio ng entertainment journalists na sina Mr. Fu, Nelson Canlas, at Rey Pumaloy.

Last Tuesday, nakasama ng Mars ang feng shui expert na nagpakita ng galing sa face-reading at susubukang alamin ang klase ng liderato ng incoming president at vice-president na sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo. Makikisaya rin sa episode sina Betong at Dasuri Choi.

Kahapon, ang mga sikreto ng ilang matagumpay na personalidad tulad nina Beyonce, Steve Jobs, at Mark Zuckerberg at ang ilang “tipid tips”nina Vaness del Moral at Sharmaine Santiago.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Ngayong Thursday naman, ultimate throwback ang mangyayari dahil gagayahin nina Suzi, Camille, Jacque O, at Via Antonio ang mga character sa patok na HBO series na Sex and The City na sina Carrie, Miranda, Samantha, at Charlotte.

Bukas, Biyernes, isang special celebration ang ihahatid ng Mars sa kanilang ika-1000 episode. Makiki-celebrate sa hosts sina Sheree at Miriam Quimbao.

Tutok na sa Mars, mula Lunes hanggang Biyernes, 7 PM, sa GMA News TV.