NEW DELHI (AP) – Sinabi ng isang charity na naglalayong sagipin ang mga batang itinulak sa forced labor na nanguna ang India sa global slavery index kamakailan, gayunman, bumubuti na ang sitwasyon sa nasabing bansa sa South Asia.
Binilang ng Walk Free Foundation na mayroong 18.35 milyong makabagong alipin sa India sa index nito na inilabas noong Martes. Ito ay kinabibilangan ng mga batang pinuwersa sa pagtatrabaho, kalimitan ay hindi binabayaran o para magbayad ng pagkakautang.
Ipinakita sa index ang China na may pangalawang pinakamataas na bilang sa 3.39 milyon, sumusunod ang Pakistan sa 2.13 milyon. Ang North Korea ang may highest per capita rate ng modernong pang-aalipin, sa 4.37 porsiyento ng populasyon nito ang apektado.