Hinimok kahapon ng Department of Education (DepEd) ang mga education stakeholder sa komunidad, gayundin ang mga ahensiya ng gobyerno at non-government organization na makibahagi sa Brigada Eskwela upang matiyak ang kahandaan ng mga pampublikong paaralan sa pagbabalik-eskuwela sa Hunyo 13.

Ang “2016 Brigada Eskwela” ay hindi lamang para ihanda ang mga paaralan sa muling pagbubukas ng klase kundi upang masuportahan ang pagpapatupad ng Kto12 program, ayon kay Education Secretary Armin Luistro.

Tinatawag na “Tayo para sa paaralang ligtas, maayos at handa mula kindergarten hanggang Senior High School”, ang pambansa at taunang Brigada Eskwela ay opisyal na magsisimula ngayong Lunes, Mayo 30, at magtatapos sa Sabado, Hunyo 4.

Ayon sa DepEd, ang mga grupo o indibiduwal na interesadong makibahagi sa Brigada Eskwela ay maaaring tumawag sa Office of the Undersecretary for Partnerships and External Linkages sa (02) 633-7207; sa External Partnerships Service-Adopt-a-School Program Secretariat sa (02) 638-8637 o (02) 638-8639; o sa alinmang DepEd Field Office at pampublikong paaralan. - Betheena Kae Unite

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon