Nakopo ng Dasmariñas City ang kampeonato sa tatlong age category sa katatapos na 2016 National Schools and Youth Chess Championships sa Philippine Sports Commission National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Nanaig ang 14-anyos at incoming Grade 9 student sa Dasmariñas National High School na si Kylen Joy Mordido sa Girls Under 15 sa nakopong pitong panalo at dalawang draw.
Nakihati siya ng puntos sa kapwa Woman FIDE Master at 5th seed Allaney Jia Doroy na pumangalawa na may 5.5 puntos ay nagwagi kay 6th seed Jesca Docena na tumersera sa 4.5 puntos.
Ang kakampi ni Mordido na si 5th seed Daren dela Cruz, incoming Grade 3 sa Malinta Elem. Sch., ang sopresang kumopo ng trono sa may pitong kasali sa Girls U9 tangan ang 5.0 puntos. Natikman niya ang tanging kabiguan kay 6th seed na si Loraine Lacaba na may 4.5 puntos.
Nakaanim na puntos si 3rd seed Jerlyn Mae San Diego na sorpresa ang pagkapanalo sa Girls U11 sa torneo na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines.
Sinabi ni Gonzales na ipadadala lahat ng kampeon para sumabak sa Asian Schools Chess Championships sa Tehran, Iran sa Hulyo 9-18.
Kabilang na mga nagkampeon sina Natasja Jasmine Balabbo ng Manila (G13) at Mecel Angela Gadut ng Candon City (G7), at sina Istraelito Rilloraza ng Far Eastern University (Boys U15), Daniel Quizon ng Taytay, Rizal (B13), Chester Neil Reyes (B11), Karycris Clarito, Jr. ng San Joaquin, Pasig City (B9), at ang kuya ni Buto na si Al-Basher ng Karangalan Elementary School-Cainta (B7). - Angie Oredo