Mayo 30, 1959 nang buksan sa publiko ni noon ay New Zealand Governor General Lord Cobham ang four-lane Auckland Harbour Bridge, na nag-uugnay sa Northcote Point at St. Mary’s Bay.

Sa unang taon nito, aabot sa 13,493 sasakyan ang dumadaan sa nasabing tulay kada araw. Dahil dito, mas mabilis na nararating ang lungsod mula sa Birkdale na mula 40 minuto ay 15 minuto na lamang.

Bago ang 1950s, matamlay ang North Shore sa ordinaryong araw. Ngunit pagkatapos ng World War II, naghanap ang pamahalaan ng Auckland ng development spaces sa Waitemata Harbour. At si Engineer Fred Bell ang nagdisenyo ng drawbridge.

Sa pagnanais ng publiko na maibalik ang orihinal na road network, aabot sa 7.5 million pounds ang nagastos sa nasabing proyekto.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon