Naungusan ng Instituto Esthetica Manila ang Philippine Navy, 25-22, 25-22, 27-25, kahapon sa pagbubukas ng Spiker’s Turf sa San Juan Arena.

Dahil sa kawalan ng sistematikong pagsasanay, aminado si Volley Masters coach Ernesto Balubar na nag- aadjust pa rin ang kanyang mga manlalaro.

“Nasa period of adjustment pa rin,” sambit ni Balubar.

“Kaya pag nakakalamang ng konti, agad ding nadidikitan. Ang maganda lang magkakakilala na sila kaya madali nang nabuo ang camaraderie,” aniya.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Tumapos na topscorer para sa koponan ang bagong recruit na si Far Eastern University open hitter Greg Dolor na nagtala ng 18 puntos na kinabibilangan ng 12 hit at anim na block.

Nanguna naman sa losing cause ng Sailors si Kurl Rosete na nagtapos na may 15 puntos. (Marivic Awitan)