Baron Geisler copy

NAPANOOD namin ang video na inuupakan si Baron Geisler ng isang diumano’y band member sa isang bar.

Hindi sinabi kung saang bar nangyari ang panibagong gulo na kinasangkutan ng aktor, pero sa video, makikitang makikipagkamay si Baron nang bigyan siya ng sunud-sunod na suntok ng nakaaway.

Palagay ang loob ni Baron na makikipagkamay rin sa kanya ang lalaki kaya ni hindi niya nasalag ang mga suntok nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May nag-post ng video sa Facebook at sa kuwento nito, walang kasalanan si Baron. Nakikipag-inuman at kumakanta lang daw si Baron at ‘yung nakaaway raw ang sigaw nang sigaw sa bartender dahil mabagal dumating ang in-order na drinks para sa mga kasamang babae.

Naingayan siguro si Baron, kaya tinanong ang nakaaway kung ano ang problema at nag-suggest na kausapin ng maayos ang bartender at nakiusap na babaan nito ang boses dahil hindi lang ito ang tao sa bar. Ipinagtanggol lang daw ni Baron ang bartender.

Nagalit ang lalaki at minura si Baron. Hindi nagustuhan ni Baron ang pagmumura ng kaharap kaya gumanti siya ng mura rin. Sinabihan din daw ni Baron ang lalaki na wala itong karapatang murahin siya at sinundan ng paghagis ng upuan sa nakaaway. Dahil naawat, hindi nauwi sa away ang nangyari.

Noong pinagbabati na ang dalawa, nagwala ang nakaaway ni Baron at pagkatapos makipagkamay kay Baron, saka nito inupakan ang aktor. Nagtapos ang video na inilabas ang nakaaway ni Baron at maririnig ang aktor na nagsasabing, “ang sa akin lang pare, dinisrespect niya ‘yung nakaaway niya kanina...”

May mga nagpayo kay Baron na para makaiwas sa gulo, kung hindi rin lang kailangan, huwag na siyang lumabas sa bahay nila. (Nitz Miralles)