Empoy at Max Collins copy

MULA sa “Juan For All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga ang kuwela at nakakaaliw na love story nina Juanito at Nenita nina Empoy at Max Collins sa Wagas ngayong Sabado.  

Hindi man kaguwapuhan, simpatiko at masayahing binata si Juanito na ang simpleng pangarap ay makahanap ng babaeng mamahalin. Textmates lang sila noong una pero nang maka-eyeball ni Juanito si Nenita ay tila pinana ni Kupido ang puso niya. 

Kahit madalas na sabit sa budget, nadadaan ni Juanito sa kanyang ‘sense of humor’ si Nenita. Para mabuhay, nangangalakal sila ng basura. At sa kabila ng mga paghamon ng buhay, masayang nagsasama ang mag-asawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

Laking gulat nila nang dumating ang isang malaking oportunidad na babago sa kanilang buhay — nang tawagan sila ni Bossing sa Eat Bulaga at manalo sa “Juan for All, All for Juan”. Ito ang lalo pang magpapasaya sa kanilang wagas na pag-iibigan.

Abangan sa kauna-unahang pagkakataon ang kuwelang pagganap ni Empoy kasama ang isa sa mga pinakamagandang Kapuso leading lady na si Max Collins sa Wagas ngayong Sabado, 7 PM, sa GMA News TV.