Johnny at Amber copy

NAGHAIN ng diborsiyo si Amber Heard laban kay Johnny Depp… at ang nakagugulat, isinampa ito tatlong araw lamang ang nakalilipas simula nang pumanaw ang ina ni Johnny na si Betty Sue Palmer.

Isinampa ni Amber ang divorce petition nitong Lunes, tinukoy ang kanilang malaking pagkakaiba. Matatandaang nagpakasal sina Depp at Heard noong Pebrero ng nakaraang taon, ngunit humingi pa rin ng spousal support si Amber.

Ayon sa sources, walang prenup ang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Lubhang masakit ang mga pangyayari para kay Depp dahil malapit siya sa kanyang ina. Base sa divorce documents, sinabi ni Heard na sila ay opisyal na naghiwalay noong Mayo 22… at pagkaraan ng dalawang araw ay pumanaw na ang ina ni Johnny Depp. (Yahoo News/Celebrity)