casimero copy

Naging matamis ang tagumpay ni mandatory contender Johnriel Casimero ng Pilipinas nang dalawang beses mapabagsak sa 4th round ang walang talong si Thai Amnat Ruenroeng tungo sa impresibong knockout win para sa IBF flyweight title kamakailan sa Diamond Court sa Beijing, China.

Muling gumamit ng maruming taktika si Ruenroeng, ngunit hindi ito umubra sa nakapaghandang si Casimero upang makaganti sa kabiguang natamo sa una nilang pagtutuos.

“Casimero was the aggressor in the first round but Ruenroeng was up to his old tricks, holding the Filipino challenger and Casimero once again found himself off balance on the canvas,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“In the next two rounds Ruenroeng was effective with his counters from a distance, then handcuffing or pushing Casimero when he got in close.”

Ngunit, nagbago ang takbo ng sagupaan pagdating sa 4th round nang makadikit si Casimero sa sobrang gulang na Thai champion.

Kaagad binati ng kanyang promoter na si Sampson Lewkowicz ng Sampson Boxing si Casimero at hinamon si pound-for-pound No. 1 at WBC flyweight titlist Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua sa unification bout.

(Gilbert Espena)