Mark at WynWyn copy

BATAY sa mga ipino-post na pictures nila ni WynWyn Marquez sa Instagram (IG) at sa tawag ni Mark Herras sa kanya na “Ga” (short of pangga), couple na ang dalawa.

Bukod kina Kiko Estrada at Barbie Forteza, sila ang latest Kapuso stars na couple in real life.

Masaya ang mga kaibigan at fans para kina Mark at Wynwyn at comment na ng marami, tila natagpuan na ni Mark ang kanyang forever kay Wynwyn. Sa dalawa, si Mark ang mas sweet at open sa pagpapahayag na mahal niya si Wynwyn.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Lahat halos ng post ni Mark, may “I love you, Teresita” o kaya’y “I love you forever” siyang sinasabi. Teresita ang real name ni Wynwyn.

May post pa si Mark na, “This feeling everytime I’m with you... I’ll be busy & you know how much I will miss you...

I love you, pangga.”

At ang puno ng emosyon na, “I just want to say kung gaano kita kamahal, pangga... lahat ng nagawa ko puro maling decision pero itinuro mo sakin kung paano gawing tama ang lahat... I’ve done a lot of wrong things in my past kaya sinasabi sa ‘yo lahat ng tao na hindi ako karapatdapat sa ‘yo dahil babaero ako at manloloko ako... ikaw yung example ng isang decent na babae na ipagmamalaki ko sa buong mundo... I’ll prove to everyone na kaya kong magmahal ng iisang babae at ikaw un, na sigurado akong hindi ako sasaktan at mamahalin ng buong buo.

“Dinala mk sa tamang daan pinakita mo sa akin lahat ng mga tamang bagay sa buhay... Handa akong baguhin lahat ng maling bagay sa buhay ko at kaya kong sabihin na pinagsisisihan ko lahat ng maling decision ko sa buhay ko! Dahil ang isang taong katulad mo ay dapat maging masaya at tratuhin ng maayos... mahal na mahal kita at wala akong gusto pang makasama sa buhay ko kungdi IKAW lang... You really know kung anong gusto mo sa buhay at hindi lang puro salita... I’m so proud of you ga and I want you to be proud of me too... I’ll be a better person because you deserve all the good things in life...

“Hinding-hindi kita sasaktan dahil mahal na mahal kita ikaw lang ang gusto ko wala nang iba. I LOVE YOU SO MUCH TERESITA SSEN MARQUEZ... at handa akong patunayan kahit kanino na karapatdapat ako sa ‘yo... Dahil wala na ‘kong nakikita pang dahilan para lokohin ka... ikaw lang wala nang iba... Mahal na mahal kita pangga!!! Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito...”

Ano kaya ang reaction ng past girlfriends ni Mark na sina Jennylyn Mercado, CristineReyes, Ryza Cenon, Ynna Asistio at iba pa sa sinabi ni Mark na si Wynwyn lang ang minahal niya ng lubos?

Anyway, naglalagare si Mark sa taping ng Afternoon Prime na Womb for Hire na magpa-pilot sa June 27 at ang comedy show na Conan My Beautician ng GMA News & Public Affairs kasama si Megan Young, kaya hindi sila madalas nagkakasama at nagkikita ni Wynwyn. (Nitz Miralles)