Apat na magkakapatid ang nasawi makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Marasbaras, Tacloban City, Leyte, kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Tacloban City, nangyari ang sunog dakong 5:00 ng umaga sa Bgy. 78, Marasbaras, Taclaban City.

Sa report ng BFP-Tacloban, kinilala ang mga namatay na sina Dan Jade Morales, 16; Glenn Mark Morales, 14; Glen Marie Morales, 11; at Gwyneth Morales, 9, pawang residente sa naturang lugar.

Sinabi ng mga magulang ng mga biktima na sina Glen at Maribel Morales na nasa kasarapan ng tulog ang kanilang mga anak nang mangyari ang sunog.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa pagsisiyasat, himbing ang magkakapatid sa ikalawang palapag ng bahay nang mangyari ang sunog at dahil gawa sa light material ang bahay ng pamilya Morales ay agad na kumalat ang apoy.

Nabatid pa sa imbestigasyon na nagmula ang sunog sa rice cooker na napabayaan ni Maribel. (FER TABOY)