UPDATE sa programang Happinas Happy Hour, magiging isang oras na lang pala ito at tatlo na lang ang main host, sina Derek Ramsay, Ogie Alcasid, at Janno Gibbs with Kim Idol kaya hindi na kasama sina Gelli de Belen at Tuesday Vargas.

DEREK, JANNO, OGIE AT GELLI Ayon sa aming source, muling nag-cut ng 41% ang budget ng Happinas Happy Hour kaya kailangang magbawas ng tao. Mabuti na lang, may project na sa ABS-CBN si Gelli samantalang nag-beg off na lang si Tuesday.

Mapapansin na ang mga natirang host ay pawang management guaranteed contract artists, kaya siguro sila ang itinira at pinatatapos lang ang kontrata.

Ipinaglaban naman daw ng mga executive ng Happinas Happy Hour ang budget ng programa para walang mawalang hosts at staff, pero hindi na raw pumayag ang TV5 management.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Kaliwa’t kanan nga raw ang tanungan ngayon ng mga empleyado ng TV5 kung ano pa ang mapapanood sa network kung halos lahat ng shows sa entertainment ay iniisa-isa nang tsugihin.

Samantala, hindi na rin daw tuloy ang reality show na Mask Singer na franchise sa Korea at si Cesar Montano sana ang magiging host sa direksiyon ni GB Sampedro at pamamahalaan ng Viva TV.

Kuwento pa ng aming source, nakapag-taping na ng dalawang episode ang Mask Singer para i-present sa management for approval, pero hindi na ito ipinatuloy dahil wala nang budget.

Kuwentuhan ng mga katoto, “paano magtatagal ang mga programa sa entertainment, eh, paiba-iba ng timeslot. Nalilito ang viewers sa mga programang sinusubaybayan nila, hindi tuluy-tuloy kaya bumibitaw sila.” –Reggee Bonoan