BAGHDAD (AP) — Inanunsiyo ni Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi ang simula ng operasyong militar para bawiin sa Islamic State ang lungsod ng Fallujah, sa timog ng Baghdad, sa isang televised address noong Linggo ng gabi.

Patungo na ang Iraqi forces sa “moment of great victory” laban sa grupong Islamic State, sinabi ni al-Abadi, na pinalilibutan ng matataas na military commanders mula sa Ministry of Defense at ng elite counterterrorism forces ng bansa.

Gayunman, inaasahan na magiging kumplikado ang laban ng Iraqi forces para maitaboy ang IS mula sa Fallujah, na 65 kilometero ang layo mula sa kanluran ng Baghdad, at mahigit dalawang taon nang nasa kontrol ng mga militante.

Ang pagbawi sa Fallujah ay makatutulong upang potektahan ang Iraqi capital laban sa mga pambobomba ng IS.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Inilarawan ni Col. Steve Warren, ang Baghdad-based spokesman para sa US-led coalition sa Iraq, ang Fallujah na “safe haven for (the Islamic State group) where they can construct their bombs and plan their operations in relatively close proximity to Baghdad.”