KALIBO, Aklan - Isang lalaking wanted sa pagpatay ang inaresto ng awtoridad habang binibisita nito ang anak na dalagitang may sakit sa Dr. Rafael Memorial Hospital.

Sinabi ng awtoridad na may kasong murder sa Kalibo Regional Trial Court si Rodel Retarino.

Ayon kay Chief Insp. Al Bigay, hepe ng Kalibo Police, ilang buwan nang pinaghahanap ng awtoridad ang suspek at natiyempuhan ito sa ospital matapos na magkasakit ang anak nito.

Kusa namang sumuko sa awtoridad si Retarino, habang nakamasid sa kanya ang anak na may sakit.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi naman pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang suspek. (Jun N. Aguirre)