Sugatan ang hepe ng Malangas Police sa Zamboanga Sibugay matapos tambangan ng mga armadong lalaki habang nagsisilbi ng warrant of arrest ang kanyang grupo sa isang akusado sa pagpatay.

Ayon sa ulat, kasama ang biktimang si Insp. Dexter Gumahob Adrias sa grupo ng mga pulis na magsisilbi ng mandiyamento de aresto laban sa isang Kahal Abdu, na pinaghahanap ng awtoridad dahil sa kasong murder, nang tambangan sila sa Barangay Sinusayan.

Sinabi pa sa police report na nagtamo si Adrias ng tama ng bala sa binti at isinugod sa isang ospital upang lapatan ng lunas.

Bukod sa kasong pagpatay, wanted din si Kahal Abdu dahil sa kasong piracy base sa inilabas na warrant of arrest ng Puerto Princesa City Regional Trial Court (RTC) Branch 51.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Habang patungo sa lugar na pinagtataguan ni Abdu, pinaulanan ng bala ang convoy ni Adrias ng grupo ni Abdu na nakaposisyon sa matataas na bahagi ng kalsada. (Nonoy E. Lacson)