BAGHDAD (Reuters) – Aabot sa apat na katao ang nasawi at 90 naman ang nasugatan sa mga nagprotesta sa Green Zone sa Baghdad nitong Biyernes, sinabi kahapon ng mga source sa ospital.

Gumamit ang Iraqi security forces ng live at rubber bullets at tear gas para buwagin ang protesta.

Kabilang sa mga nagprotesta ang mga tagasuporta ng makapangyarihang Shi’ite Muslim cleric na si Moqtada al-Sadr at ng iba pang mula sa mga grupong dismayado sa kabiguan ng gobyerno na aprubahan ang mga reporma kontra kurapsiyon at paigtingin ang seguridad laban sa pambobomba ng Islamic State.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline