NOEL, VIN AT MALOU copy

NAKIPAGKITA pa lang kay Ms. Malou Santos si Vin Abrenica, hindi pa siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN gaya ng nasulat.

“In coming weeks” ang sagot ng manager ni Vin na si Noel Ferrer nang tanungin namin kung nakapirma na ng kontrata ang aktor.

Pero naggi-guest na sa shows ng ABS-CBN si Vin kahit wala pa siyang kontrata sa network. Napanood na siya sa Ipaglaban Mo at sumayaw na sa ASAP. Ang puntirya niya ay makapag-guest sa Maalaala Mo Kaya na tiyak matutupad.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ipinost ni Vin ang picture niya with Ms. Malou at Noel at ang ginamit na caption ay, “Thankful” #BestTimesAhead.”

Ang alam namin, may natitira pang dalawang taon sa kontrata ni Vin sa TV5, pero nagpapa-release na siya sa naturang kontrata. Nabalitaan din namin na nakipag-meeting sila kay Mr. Vic del Rosario para siguro pag-usapan din tapusin na lang ang kontrata niya sa TV5. Hindi pa namin nababalitaan ang naging resulta ng naturang meeting na ‘yun.

Naiwan sa TV5 ang girlfriend ni Vin na si Sophie Albert na kung hindi kami nagkakamali, naunang nagbalak lumipat sa ABS-CBN. Hindi nga ba’t kasama siya dapat sa Pangako Sa ‘Yo?

Anyway, winelcome na si Vin ng Kapamilya fans sa pagpasok niya sa ABS-CBN. Maganda siguro kung isa sa mga gagawin niyang projects ay pagsasamahan nila ni Ritz Azul na gaya niya ay galing din sa TV5. (Nitz Miralles)