GERONA, Tarlac – Namatay ang isang hindi nakikilalang lalaki sa highway ng Barangay Abagon sa bayang ito makaraan siyang salpukin ng Daewoo bus na sinasakyan ng mga excursionist sa nasabing lugar.

Halos maligo sa sariling dugo ang hindi nakilalang biktima, na pinaniniwalaang isang taong grasa at may taas na 5’4”, nakasuot ng itim na T-shirt, balingkinitan, kayumanggi, kulot, at pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip.

Minamaneho ni Jefferson Lazaro, 30, ng Barangay Lacong, Tagudin, Ilocos Sur, ang bus (AWC-974) na nakasagasa sa biktima.

Dakong 2:00 ng umaga at patungong timog ang bus nang biglang tumawid sa highway ang biktima at mabundol ng bus. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog