NAKAKAALIW ang pananaw ni Michael Pangilinan na malapit sa mga bading, dahil wala siyang problema sa pakikipagkaibigan sa kanila. Iisa lang ang hinihingi niya, respeto bilang tao at sa sarili.

“Ayaw ko lang po ng nanghihipo o nambabastos, kasi talagang hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

“Tulad po nu’ng nag-show ako sa Iloilo, may isang bading na talagang dinakot ako as in nahawakan talaga, eh, hindi ko na naabutan kasi maraming tao at nagmamadali ako. Kung inabutan ko siya, hindi ko po alam kung anong nagawa ko.

“Mga ganu’ng tipo po ang ayaw ko. Okay ako sa bading kasi marami akong kaibigan at halos lahat ng tumutulong sa akin sa career ko bading, pero respeto bilang tao ang hinihingi ko at so far po, wala akong na-experience sa inyo (gay reporters) na hindi maganda,” pahayag ng alaga ni Katotong Jobert Sucaldito.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Hindi iwinawaksi ni Michael ang posibilidad na pagdating ng panahon ay baka ma-in love siya sa bading. Pero sa ngayon ay wala pa ito sa isipan niya.

“Hindi naman po natin alam kung ano ang mangyari sa mga susunod na araw, malay natin. Pero sa ngayon po, okay naman po ako at nandiyan naman po ang mga bading na kaibigan ko at masaya naman po kayong kasama, eh. Hindi ko po nakakalimutan ang mga tulong n’yo sa akin,” diin ni Michael. (Reggee Bonoan)