Tiniyak ni Senator Bam Aquino na maibabalik ang $81 million ng Bangladesh na ninakaw sa pamamagitan ng hacking at ipinasok sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).

Humiling din si Aquino ng pang-unawa sa gobyerno ng Bangladesh, kasabay ng pagtiyak na hindi nagkulang ang ating pamahalaan sa pag-usig sa mga sangkot sa nakawan.

Una nang sinabi ni Ambassador John Gomes sa pagdinig ng Senado na walang Pinoy na sangkot sa hacking sa Central Bank of Bangladesh, at nagpasalamat pa sa pagpupursige ng gobyerno sa pag-usig sa mga sangkot.

Dahil sa pagtiyak na ito ni Aquino, napawi ang pangamba ng ilan na hindi na matutuloy ang pagbawi ng Bangladesh sa pera nito matapos na tapusin na ng Senado ang pagdinig sa usapin.

National

PBBM, tinanggap na pagbibitiw ni Napolcom commissioner Leonardo

“We won’t stop until the money stolen from the Bangladeshi people is returned, up to the last centavo,” ani Aquino.

Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nabawi na nito ang $15 million na ibinalik ng junket operator na si Kim Wong, na $21 million ang napunta sa casino, $28 million ang nasa ilalim na ng Korte Suprema, habang nawawala naman ang $17 million.

Ayon sa AMLC, kailangan ang kautusan ng korte sa usapin ng $15 million na nasa pag-iingat nila, at kailangan din na magsampa ng mosyon ang Bangladesh na sa kanila nga ang pera.

Aabutin naman ng tatlo hanggang limang buwan ang pagbawi sa kabuuan ng pera, ayon sa AMLC. (LEONEL ABASOLA)