“Taas noo akong bababa sa puwesto sa Hunyo 30.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Aquino kahapon kasabay ng paglagda sa Children’s Emergency Relief and Protection Act.

Sinabi ni PNoy na wala siyang ikinahihiya at pinagsisisihan sa kanyang anim na taong panunungkulan.

“Matiwasay akong aalis sa puwesto at mata sa matang masasabi ko sa sambayanang tumotoo ako at tumupad sa mandatong ipinagkaloob sa akin,” diin ni PNoy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ipinagmalaki ni PNoy na ang tagumpay nito sa kanyang administrasyon ay dahil nagtulungan ang mga Pilipino, iniangat ang isa’t isa at inuna ang kapwa at bayan, bago ang sariling kapakanan.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya kinatatakutan ang banta ng ilang kalaban sa pulitika na siya’y kakasuhan dahil sa umano’y mga kapalpakan ng gobyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala. (Beth Camia)