RAMOS, Tarlac - Grabeng isinugod sa Rayos Hospital ang isang magsasaka matapos saksakin at paghahatawin ng kalaykay ng kapwa magsasaka na matagal na niyang kaalitan, sa Purok Jasmin, Barangay Poblacion North, Ramos, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Jomar Guimba ang biktimang si Jason Tangonan, 37, habang ang suspek ay si Jimmy Tappol, 42, kapwa residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, katatapos lang ni Tangonan sa pagtatrabaho sa bukid ni Rosendo Banag, 73, at naglalakad nang sugurin siya ng suspek na armado ng kalaykay at jungle bolo.

Agad namang naawat ng ibang kapwa magsasaka si Tappol, na mabilis na tumakas. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog