Dalawang re-electionist na mambabatas at tatlong baguhang kongresista na magiging miyembro ng 17th Congress ang nagtungo sa Kamara nitong Lunes upang iprisinta ang kanilang mga credential na nagpapatunay na sila ang nanalo sa nakaraang halalan sa kani-kanilang distrito.

Kabilang sina dating Speaker Arnulfo Fuentebella at Reps. Federico Sandoval II (Lone District, Malabon City), Alberto Ungab (3rd District, Davao City), Manuel Jose Dalipe (2nd District, Zamboanga City) at Johnny Pimentel (2nd District, Surigao del Sur) sa mga nagsumite ng kanilang orihinal na kopya ng Certificates of Canvass of Votes and Proclamation (CCVP), at Oath of Office sa Office of the House Secretary General.

Inaasahang magsusumite rin ng kanilang mga credential ang iba pang nanalong kongresista. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter