Naaagnas na ang bangkay ng isang high school principal nang natagpuan sa isang kanal sa Bacon District sa Sorsogon City, makaraang ituro roon ng limang suspek na pawang menor de edad.

Natagpuan ang bangkay ni Christian delos Angeles, na napaulat na nawawala simula pa noong Mayo 4.

Ayon sa pulisya, mismong ang mga suspek ang nagturo sa kinaroroonan ng bangkay hanggang sa matagpuan si Delos Angeles sa isang kanal sa Bacon District.

Nabatid sa pagsisiyasat ng Sorsogon City Police Office (SCPO) na pinagtulungang patayin ng mga suspek si Delos Angeles.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Narekober din mula sa mga suspek ang motorsiklo ng biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang limang suspek na kakasuhan ng carnapping at pagpatay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pagpaslang kay Delos Angeles. (Fer Taboy)