Direk Quark & Scarlet Snow copy

NAG-POST na si Direk Quark Henares kahapon ng photo na karga niya ang bunsong kapatid na si Scarlet Snow, at ang caption niya, “I hear there’s been a revelation #teamsnowybear #scarletsnow #baby#cutebaby #babies #babiesofinstagram.”

Nang maka-chat namin siya, sinabi naming, ‘Kaya pala baby sister ang sinabi mo, Direk’ at sinagot niya ng, “O, di ba. Ayan na. Hahahahaha. Sabi ko maghintay ka lang, eh.”

Sinabi namin na gusto kasi naming maka-scoop kaya makulit kami, at nabanggit namin sa My Candidate director na kamukha ng mama niya si Scarlett Snow at may anggulong kamukha rin ni Hayden Kho.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Sino ang nagbigay ng pangalang Scarlet Snow kasi hindi common?

“Kay Hayden ‘yung Scarlet, akin ‘yung Snow. Galing sa Bibliya ‘yan, eh. ‘If your soul is Scarlet, I will turn it into Snow, Isaac (Isaiah 1:18) ‘ata. Google mo na lang hehehe,” sagot sa amin ni Direk Quark.

Medyo matagal din bago inilabas nina Hayden at Dra. Vicki Belo si Scarlet Snow dahil isang taon at tatlong buwan na pala ang baby sister nina Direk Quark at Cristalle Belo Henares.

Pinay ba ang surrogate mother ng bagets?

“Kano ang surrogate, sa States pinanganak kaya siya (Scarlet Snow) lang ang kano sa amin (magkapatid).”

Spoiled ba sa kanila ang bunso ng pamilya?

“Ayoko ngang i-spoil, eh. Mission ko sa buhay siguraduhin na hindi siya lalaking spoiled brat hehehe. O, ayan ha, laki na ng scoop mo, ‘teh.”

Kanino mas malapit si Scarlet Snow sa kanilang dalawa ni Cristalle at sino ang madalas ka-bonding ni Bagets?

“Mas bonding sila actually since nakatira sa bahay si Cristalle. Love na love niya ‘yan!” sabi sa amin ng kasing kulit naming direktor.

Naisip ba nila ni Cristalle noon na magkakaroon pa sila ng kapatid?

“Never ever, hahaha, so, medyo nakakagulat ‘to,” natawang sabi sa amin.

Diretsong tanong namin kay Direk Quark, since may anak na ang mama niya at si Hayden, magkasama na ba sa bahay o kanya-kanyang uwi pa rin sila?

“Wala naman ako sa bahay, so, oks na rin. Life goes on,” mabilis na sagot ni Direk Quark.

Hmmm, kaya pala nabanggit ng panganay na anak ni Dra. Vicki na mas close sina Cristalle at Hayden ngayon kasi nga nasa iisang bahay sila nakatira.

Samantala, as of now ay single si Direk Quark pero may idini-date raw siya na mas bata sa kanya ng halos sampung taon at pareho niyang artist din. (REGGEE BONOAN)