Tinanghal na kampeon ang freelance dancing coach at single mother na si Famina Marysse Santos, at ang zumba practitioner na si Abby Tay sa tampok na zumba marathon ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t Saya sa Parke 1st Summer Games 2016 sa dinagsang Quezon City Memorial Circle.

Iniluklok si Santos, residente ng Brgy. Masagana, Proj. 4, QC sa women’s 18-45 age group title ng mga zumbathon judges na pinangunahan nina Zumba Fashionista member Myracle Ong at Maimai Alitan, habang umupo sa trono ang tubong Apalit, Pampanga pero naninirahan na sa SFDM, QC na si Tay sa 46-65 class.

Ikalawa’t ikatlo kay Santos sina Jasmin Villana at Yam Hara, habang umuwi agad ang sumegunda kay Tay at ikatlo na si Ma. Victoria Co, 54, ng Brgy. Pansol, QC.

Ang tatlong nagwagi sa men’s 18-45 ay sina Ricardo Montecillo, 25, mula Brgy. Bagumbuhay, QC; ikalawa si Raymond Cangagab at ikatlo si Victor Sanches habang sa 46-65 division ay sina Noel Adufina, 51, ng Brgy. Pinyahan, QC; Agustin Garrido at Michael Can.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Top 3 naman sa 5-round men’s chess, na ginabayan ni arbiter Alfredo Chay, sina Cagayan de Oro-born, Novaliches resident, 22, veteran internationalist at enlisted Airman second class Lennon Hart Salgados 4.5points), Ricardo Batcho (4.5), at Bacoor City’s Richard dela Cruz (4.0).

Nagwagi naman sa women’s volleyball ang Blue-San Juan City na pinangunahan ni team skipper Jona Narido, Kim Legaspi-led Red at pinamunuan ni team captain Myla Dimaculangan na Yellow; at sa men’s ay ang White-SJC, Blue-QC at Red.

Ang mga nanalo sa futsal ay ang nirendahan ni Hakeem Namoro na Blue, giniyahan ni Vince Lopez na Yellow at tinrangkuhan ni Patrci Vergara na Red. - Angie Oredo