Nagpakitang gilas ang dating La Consolacion College standout na si Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices upang tanghaling pinakamatinik na scorer matapos ang elimination sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.

Ang 6-2 na si Mabigat ay umiskor ng 65 puntos sa dalawang laro para sa average na 32.5 puntos kada laro sa kumpetisyon na itinaguyod ng Smart, Ironcon Builders, Dickies Underwear, Bread Story, PRC at Gerry’s Grill.

Ang teammate ni Mabigat na si Anthony Cuevas ay pumangalawa sa kanyang 73 puntos sa tatlong laro para sa average na 24.3 puntos bawat laro.

Pumangatlo naman si Jose Remy Morada ng Emilio Aguinaldo College sa kanyang 78 puntos sa apat na laro para sa19.5 puntos kada laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sina Ivan Villanueva ng Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi Motora at Jon Von Tambeling ng Philippine Christian University-Lilac Experience ang pumang-apat at pumang-lima na scoring leader.

Si Villanueva, naglaro sa Adamson University sa UAAP, ay may tangan na 134 na puntos sa pitong laro at average na 19.1 ppg, habang si Tambeling, isang 5-8 playmaker ay may 132 puntos sa pitong laro at 18.8 ppg.

Pumasok din sa Top 10 list sina Bobby Baluxanag ng Lourdes-Takeshi, pang-anim na may 18.5 ppg, 37 puntos sa dalawang laro; Jerome Garcia ng Lourdes-Takeshi, pang-pito na may 17.5 ppg, 105 puntos sa anim na laro; Yves Sazon ng PCU-Lex, pang-walo na may 17.1 ppg, 120 puntos sa pitong laro; Jack Corpuz ng PCU-Lex, pang-siyam na may 17.0 ppg, 85 puntos sa limang laro; at John Ambulodto ng New San Jose Builders, 10th na may 16.5 ppg, 99 puntos sa anim na laro.

Ang ex-PBA star na si Nino Marquez at beteranong Pol Santiago ang mga leading scorers para sa elimination round topnotcher Macway Travel Club sa kanilang 14.0 ppg and 13.8 ppg, ayon sa pagkasunod.

Ang top performer para sa last year’s runner-up AMA University-Wang’s Ballclub ay sina Jayson Jordan (14.8 ppg); Rizalde Angeles (13.8 ppg); Federico Alupani (13.2ppg); Ezer Calma (12.8 ppg); at Miguel Magpantay (11.1 ppg).