ROME (AP) — Nadugtungan ni Novak Djokovic ang kasalukuyang dominasyon kay Rafael Nadal matapos maitarak ang 7-5, 7-6 (4) panalo sa quarter-finals ng Italian Open nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Nasayang ni Nadal ang limang set point sa second set sa duwelong inilarawan ni Djokovic na “classic” at tumagal ng dalawa’t kalahating oras.
“It felt definitely special to be on the court today playing against Rafa for several hours,” pahayag ni Djokovic.
“Thankfully, we didn’t play (like in) Grand Slams, best of five. Who knows when this match would finish?”
Nagawang matalo ni Djokovic si Nadal sa huling pitong laban ng kabuuang 49 na pagtutuos sa Open era. Sa kabuuan, tangan ni Djokovic ang 26-23 bentahe.
Ito ang posibleng huling paghaharap ng dalawa bago ang paglarga ng prestihiyosong French Open.
“Winning against Nadal on clay doesn’t happen often, doesn’t happen every day, so it is one of the ultimate challenges if not the ultimate challenge we have in sports,” sambit ni Djokovic.
Makakaharap ni Djokovic sa semi-final ang Japanese star na si Kei Nishikori, nagwagi kontra Dominic Thiem, 6-3, 7-5.
Umusad din si Andy Murray ng Great Britain nang magwagi kay David Goffin 6-1, 7-5 para mahila ang record sa clay court ngayong taon sa 27-3.
“I’m getting rewarded now for the work that I put in over the years on this surface,” ayon kay Murray, makakaharap si French qualifier Lucas Pouille.
Sa women’s quarterfinals, pinasadsad ni top-ranked Serena Williams si Svetlana Kuznetsova 6-2, 6-0, habang ginapi ni Irina-Camelia Begu ng Romania si Misaki Doi ng Japan 6-2, 7-6 (3).