brazil copy

RIO DE JANEIRO (AP) — Handa na ang mga venue at patuloy ang paglagablab ng apoy sa Olympic torch na lumilibot sa kabuuan ng Brazil para sa tatlong buwang relay bago ang opening ceremony ng pinakamalaking sports event sa mundo.

Sa kabila ng init ng pulitika, sinabi ng organizer na mananatili ang tema ng kapayapaan at pagkakaisa sa Rio Olympics.

"The organization of the games is absolutely following the right path," pahayag ni Carlos Nuzman, head ng organizing committee nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Human-Interest

Babaeng may PCOS na deboto ng Poong Nazareno, biniyayaan ng anak

"And it will continue the same way,” aniya.

Para masiguro ang tagumpay, kaagad na inilagay ni Brazilian interim president Michel Temer si Leonardo Picciani bilang bagong sports minister.

"This will at least give Olympic organizers someone to talk to," sambit ni Sergio Praca, isang Brazilian political science professor mula sa Getulio Vargas Foundation.

Nakatakda ang Rio Games sa Agosto 5-21 at gaganapin ang opening ceremony sa Maracana Stadium.

Kasalukuyang nagkakagulo sa Brazil dahil sa pulitika, gayundin sa kabuhayan at mapanirang karamdaman na dulot ng Zika virus.

Ngunit, sa kabila ng mga negatibong usapin, kabilang na ang US$3 billion na nawawala dulot ng kurapsiyon, gayundin ang mababang benta ng tiket, kumpiyansa ang host sa matagumpay na maidaraos ang quadrennial meet.

"It's undeniable that Brazil is in a very serious crisis," pahayag ni dating Barcelona soccer great Romario, na isa nang federal senator.