PANIQUI, Tarlac - Dahil umano sa matinding kalasingan ng isang tricycle driver ay nakabundol siya ng isang batang naglalakad hanggang sa nawalan siya ng kontrol sa sasakyan at sumalpok ito sa metal na bakod sa Sitio Bagkok, Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Edgar Reyes ang nabundol na si Angel Joy Bulatao, 8, ng nasabing barangay, na ginagamot ngayon sa Rayos Hospital.

Nasugatan din sina Alberto Maranion, 51, driver ng Honda TMX 155 tricycle (RW-9377); Noimi Macadangdang, 53, ng Bgy. Carino, Paniqui; at Robert Peralta, 45, ng Bgy. Maybubon, Guimba, Nueva Ecija.

Nabatid na pasado 5:00 ng hapon at patungo ang tricycle sa kanluran nang aksidente nitong mabundol ang bata na nasa gilid ng kalsada.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa report, bumangga rin ang tricycle sa metal na bakod. (Leandro Alborote)